test

‘Tulak,’ tiklo sa drug bust sa Davao



DAVAO CITY – Isang lalaking tulak ng ipinagbabawal na droga ang naaresto ng awtoridad sa ikinasang buy-bust operation, Martes ng madaling araw.
Nahuli si Ryan Niel Martinez, 40, sa Waling-waling Street, Barangay Daliao Toril sa Davao City.
Ayon sa awtoridad, ang iligal na transaksiyon ay ginawa sa loob mismo ng sasakyan ni Martinez.Narekober mula sa kanya ang 5 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P11,000, cellphone na gamit sa kanyang transaksiyon at P1,000 na marked money.
Si Martinez ay isang high-valued target na kabilang sa drug watchlist ng awtoridad.
Napag-alamang nasa Cotabato City ang source ng iligal na droga ni Martinez at kanya naman itong ibinabagsak sa iba't-ibang lugar sa Davao City.
Isinailalim sa drug test sa crime laboratory si Martinez habang nahaharap ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
‘Tulak,’ tiklo sa drug bust sa Davao ‘Tulak,’ tiklo sa drug bust sa Davao Reviewed by jomzlovez on September 25, 2017 Rating: 5

No comments:

Powered by Blogger.